Nagmistulang pagtitipon ng mga TGP Partylist LGU-partners ang ginanap na pay-out sa Sta. Cruz, Laguna

Nagmistulang pagtitipon ng mga TGP Partylist LGU-partners ang ginanap na pay-out sa Sta. Cruz, Laguna nitong nakaraang araw. Dito ay ginabayan nila ang mga clients mula sa kani-kanilang bayan sa Laguna na dumulog sa TGP PL Satellite Office sa Sta. Cruz para sa medical, burial at cash assistance. Nasa 1.2 million na halaga ang naipamahagi na pinangasiwaan ng DSWD 4A-Laguna. Pasasalamat ang ipinaabot ni TGP PL Representative Deputy Majority Leader Jose “Bong” Teves sa ating mga katuwang na LGU Officials higit kay Sta. Cruz Vice-Mayor Laarni Malibiran na nangangasiwa sa ating satellite office. Kasama sa mga dumalo sina Cavinti Mayor Arantlee Arroyo, Luisiana Vice Mayor Luibic Jacob, Pangil Vice Mayor Divine Astoveza, Representative of Magdalena Mayor Peter Bucal, Magdalena Vice Mayor Maximo Sotomayor, Siniloan Mayor Patrick Go kasama ang representative ni Vice Mayor Carla Valderrama, Pagsanjan Councilor Rachelle Abella, Cavinti Councilor Princess De Guzman, Pila Councilors Jepo De Castro at Bobok Herradura, Sta. Cruz Councilor Ritz Kalaw, NiƱo Delas Armas at Macmac Joven.

Patuloy po na maglilingkod ang TGP Partylist para sa inyo !!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *