P5.268 TRILLION PROPOSED BUDGET NG GOBYERNO PARA SA TAONG 2023 PASADO NA SA IKATLO AT HULING PAGBASA SA HOUSE OF REPRESENTATIVES

P5.268 TRILLION PROPOSED BUDGET NG GOBYERNO PARA SA TAONG 2023 PASADO NA SA IKATLO AT HULING PAGBASA SA HOUSE OF REPRESENTATIVES

Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagpasa sa ikatlo at panghuling pagbasa ng General Appropriations Bill o House Bill No. 4488 ngayong gabi sa plenaryo ng Kongreso.

Kasama si Deputy Majority Leader Bong Teves, Jr., ibang matataas na opisyal ng Kongreso, at ilang mambabatas ngayong gabi sa pagpasa ng nasabing panukalang batas. Ito ang magpopondo sa national government para sa taong 2023.

Agad namang ipinag-utos ni Speaker Romualdez na ipadala ang panukalang batas sa Senado para sa kanila namang pagdinig ng nasabing budget. Matatandaang sinabi ni President Bongbong Marcos na urgent and necessary ang pagpasa ng budget para sa susunod na taon.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *