March 7, 2023 — Sa patuloy na pagtutulungan ng TGP Partylist, National Movement of Young Legislators (NMYL) Laguna Chapter at Laguna Triskelion Provincial Council, ay ang bayan naman ng Cavinti, Laguna ang hinatiran ng Crisis Assistance na nagkakahalaga ng lampas sa kalahating milyong piso. Ang pamamahagi sa ilalim ng pangangasiwa ng DSWD FO 4A ay personal na dinaluhan ni TGP Partylist Representative Deputy Majority Leader Bong Teves Jr. kasama sina Cavinti Mayor Arantlee Arroyo, Vice-Mayor Milbert Oliveros, Cavinti Councilor Glenn Cabuhat & Councilor Princess De Guzman, gayundin sina Laguna Govgen Ruslan Fonacier at Cavinti Triskelion Municipal Council Chairman Jay Notario.
Tuloy-tuloy na serbisyo mula sa TGP Partylist !