Pay-Out sa Laguna

Nakakataba ng puso ang kabi-kabilang pasasalamat na natanggap ni TGP Partylist Representative Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. sa isinagawang pay-out sa Laguna na kanyang personal na dinaluhan. Nasa may 500 na recipients ang nakatanggap ng asistensya katulad ng medical, burial at food assistance na nagmula sa ibat-ibang bayan ng lalawigan. Sila ang mga pumupunta araw-araw sa ating TGP Partylist Satellite Offices sa Laguna na pinangangasiwaan nina Sta. Cruz Vice-Mayor Laarni Malibiran at Siniloan Vice-Mayor Carla Valderrama. Sa kanyang mensahe ay sinabi ni Cong. Bong Teves Jr. na lalo pa syang magpupursige upang mapalakas at mapalawak pa ang tulong na inihahatid ng TGP Partylist sa lalawigan.

Kasamang dumalo sa aktibidad ang ating mga Local Partner-Officials na kinabibilangan ng mga Mayor, Vice-Mayor at mga Konsehal ng ibat-ibang bayan. Maraming-maraming salamat po sa inyong suporta!

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *