Serbisyong Balik sa Tao

Kumpleto rekado na naman ang ating naihatid na Serbisyong Balik sa Tao ni Apiong – Dental Mission (Libreng bunot ng Ngipin) sa daang daang kababayan natin mula sa lugar ng Area 1, Covered Court, Brgy. San Antonio, ParaƱaque City.

Katuwang natin ang TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. sa ating mga isinasagawang proyekto.

Pinapasalamatan natin ang ating mahal na Mayor Eric L. Olivarez, maging ang ating Vice Mayor Joan Villafuerte ParaƱaque, sa ipinagkakaloob sa ating suporta sa proyektong ito. Gayundin kay Councilor Nina and Wahoo Sotto sa paglaan ng kanilang Dabarcart-Pa Kape para sa ating mga kababayan.

Lubos din ang ating pasasalamat kay Kapitan Pol Casale, Federation President of Senior Citizens of Brgy San Antonio-Tita Neneth Regala, sa Area 1 Youth Organization na si Pres. Renmuel Gutierrez & Officersm Lupang Hinirang Youth Organization na si Pres. Salutiano Yape III, sa pagasiste at suportang ipinagkaloob ninyo sa amin.

At higit sa lahat, sa ating magigiting na mga Volunteer Doctors, maraming maraming salamat po!

Bukas, tayo ay tutungo sa Brgy. Hall mismo ng Brgy. San Antonio upang magsagawa muli ng misyong ito. Kita kits!

Coun. Raffy De la Pena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *