TGP Partylist Crisis Assistance Program

Isang karangalan ng ating bayan na mabisita ng isang katulad ni Congressman Jose “Bong” Teves na may dalang tulong para sa ating mamamayan sa kabila ng limitadong pondo ng isang party-list katulad ng TGP.” Ito ang madamdaming mensahe ni Santa Maria, Laguna Mayor Cindy Carolino sa harap ng ating representante na personal na sinaksihan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng TGP Partylist Crisis Assistance Program na pinangasiwaan ng DSWD FO 4A. Todong suporta ang ipinakita ng lokal na pamahalaan sa aktibidad na dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice-Mayor Nor Briones na isa sa mga proponents ng inisyatibo kasama sina Municipal Councilors Wennie Jude Nipay at Jeffrey Arriola, gayundin ang Santa Maria Municipal Triskelion Council.

Naging daan ang National Movement of Young Legislators (NMYL) Laguna Chapter at Vice-Mayors League of the Philippines (VMLP) Laguna Chapter / CALABARZON upang maisakatuparan ang aktibidad.

#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *