TGP Partylist Namahagi ng Bigas sa Transportation Sector

Patuloy ang pamamahagi ng bigas ng TGP Partylist bilang pamaskong handog sa sektor ng transportasyon sa Catanduanes.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas, sinabi ni TGP Rep. Bong Teves na aabot sa 12,000 packs ng tig-5 kilong bigas ang ipinamamahagi nila ngayon sa mga driver ng tricycle, jeep at bus sa lalawigan.

Isinali na rin aniya sa distribusyon ang ilang mga mangingisda na apektado ang pamumuhay ngayon bunsod ng madalas na masamang lagay ng karagatan.

Samantala, inanunsiyo naman ni Teves ang tungkol sa itatayong bagong Provincial Office ng Bureau of Fire Protection (BFP) Catanduanes at bagong fire station sa bayan ng Baras. Natapos na aniya ang bidding nito at inaasahang masisimulan ang konstruksyon sa susunod na taon.

Kabilang aniya ang nasabing mga gusali sa hiniling nya sa DILG at BFP noong taong 2022, kasabay ng limang bagong fire trucks para sa mga bayan ng Pandan, Virac, Bato at Baras.

Nitong 2023 budget hearing aniya ay muli nyang kinulit ang BFP kaugnay ng nasabing requests na nagbunga naman aniya dahil naiturn-over na ito sa mga benepisyaryong LGU kamakailan.

Sa huli ay tiniyak ni Teves na magpapatuloy ang pagpapaabot nya ng iba pang tulong sa Catanduanes sa pamamagitan ng TUPAD, AICS at medical assistance sa mga ospital na kaniyang pinaglaanan muli ng pondo para sa susunod na taon.

?Councilor Adoy Toledana

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *