Nabigyan ng trabaho ang aabot sa 1,171 benepisyaryo mula sa labing-isang bayan sa Catanduanes sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program – “Linig Mo Para sa Barangay”.
Sa pamamagitan ng League of Municipalities of the Philippines Catanduanes Chapter na pinamumunuan ni Baras Mayor Paolo Teves, ay napondohan ang nasabing programa ng opisina ni Senator Jinggoy Estrada, katuwang ang TGP Partylist, sa pamumuno ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr.
Ang nasabing orientation ay pinangunahan ng DOLE Catanduanes Team, kasama ang TGP Partylist at ilang LGU Personnel ng bawat munisipyo.
#TGPpartylist#CongBongTevesJr#deputymajorityleadercongressmanbongtevesjr