TGP Partylist Representative and Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. initiated a tree planting in San Miguel, Catanduanes that he personally led with TGP Founding Father Roy Ordinario and the Triskelion community with the help of the PENRO Catanduanes Team.
Sa pagsisimula ng dalawang araw na pagtatanim sa lalawigan ng Catanduanes ay pinangunahan mismo ito ni TGP Partylist Representative at Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. kasama si TGP Founding Father Roy Ordinario, at ng Triskelion Community sa tulong ng PENRO Catanduanes Team.
Sa kahilingan ni Cavite Provincial Council Governor-General Erick “Kid” Sernat ay sa bayan naman ng Gen. Emilio Aguinaldo (Bailen) sa Cavite nagpunta ang TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. upang isagawa ang distribution ng financial assistance sa may 250 na triskelion members at iba pang residente na nailista bilang beneficiaries sa ilalim ng TGP Crisis Assistance Program.
Ang aktibidad ay dinaluhan nina Mayor Brod Dennis Glean, Councilor Brod Nepthalie Sernat, Cavite Governor General Erick James”Kid” Tafalla Sernat, Bailen Municipal Council Chairman Emman Dela Paz at Bailen Municipal Council Vice Chairman Michael Echeverria.
Maging mapanuri sa lahat ng makakausap natin at iaalok na tulong sa atin at mga kasama. Tulad nitong nasa Video na sa halip na makatulong sa kanyang mga kasama ay naging tulay pa sya na maisakatuparan ng lubos ang pananamantala sa mga taong nangangailangan…
Aralin muna natin ang bawat dokumento na ipinapakita at mga taong nag-aalok ng tulong kung totoo… Kung totoong tutulong ay hindi kailangang may kapalit lalo’t galing ang tulong sa pamahalaan.
Kagustuhan man natin o hindi ay may pananagutan tayo kapag nagpagamit tayo sa mga gawaing labag sa batas.
Maging aral nawa ito sa marami.
Sa halos apat na taong nakaupo sa Kongreso ng TGP Partylist sa pamumuno ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. ay isa sa pinagkaabalahan natin ay ang pagbibigay ng tulong medikal at pinansyal para sa mga kababayan nating may sakit at lubos na nangangailangan…
Nakalulungkot isipin at makita na may mga taong kailangan pang dayain at gumawa ng huwad na dokumento o itinakdang requirements ng mga ahensya ng gobyerno para lamang makakuha ng Medical Assistance. Nito lamang huli ay nakakaawa ang 5 biktima na nabigyan ng huwad na Medical Abstract na Senior Citizen pa ang ilan…
Ating isipin at unawain na nagtatakda ang ating gobyerno ng requirements hindi para pahirapan ang ating mamamayan kundi upang pag-ingatan lamang ang pondo na inilalaan sa mga indigent nating mga kababayan.
MULI NAMING TINAKPAN ANG ILANG BAHAGI NG AUDIO/VIDEO UPANG HINDI MAAPEKTUHAN ANG MIYEMBRO NG PAMILYA NA WALA NAMANG NAGAWANG PAGKAKAMALI.
PARA PO SA KAALAMAN NG LAHAT NA MAKAPANONOOD NG VIDEO NA ITO, KAUGNAY ITO SA SINUNDANG NITONG PUBLIC APOLOGY NA POST AT ITO AY NAIDAAN NA SA PAG-UUSAP SA BARANGAY. BUKOD SA IBABALIK NILA ANG PERA SA MGA TAO AY ITO ANG NAPAGKASUNDUAN, ANG PAGGAWA NG VIDEO PARA MAGPUBLIC APOLOGY.
Ipinapaalala po namin sa lahat na ang mga biktima ay maaari ring makapangbiktma kaya mag-ingat po tayong lahat..
Sa ginanap na pay-out ng TGP Partylist sa Los Baños, Laguna ay magkasabay na ipinamahagi ang financial assistance sa mga miyembro at pamilya ng Los Baños Triskelion Council, gayundin sa mga recipients ng crisis assistance katuwang ang National Movement of Young Legislators (NMYL) Laguna Chapter.
Ang programa ay personal na dinaluhan ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. kasama sina CALABARZON Gen.Sec. Ronald Allan Mangao at Laguna Provincial Council Gov.Gen. Ruslan Fonacier. Ang pamamahagi ay inorganisa ng Los Baños Triskelion Council sa pamumuno ni Chairman Jonathan Sumeguin, katulong sina NMYL Officers Los Baños Councilor Dex Concio at Bay Councilor Amado Ramos Jr. sa ilalim ng paggabay ni NMYL-Laguna President Siniloan Councilor Carla Valderrama.
May 550 beneficiaries ang nagmula sa Los Baños, Laguna at 50 mula sa Bay, Laguna.
Ipinahatid ni Los Baños Mayor Anthony Genuino ang pagkilala sa naganap na aktibidad.
Minabuti ni TGP Partylist Representative at Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves Jr. na ilapit sa mga kababayan nating nangangailangan ang ating Medical Assistance Program upang personal na maipakita ang mga kinakailangang dokumento na itinakda ng mga ahensyang kapartner ng TGP Partylist tulad ng DOH at DSWD.
Ginanap ang unang pay-out ng mga aplikante para sa medical, burial at financial assistance sa TGP Satellite Office sa Sta. Cruz, Laguna, na karamihan ay galing sa mga bayan ng Sta. Cruz, Pila, Victoria, Magdalena, Calauan at Pangil. Hangad ng TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. na makapagpatayo ng mas maraming satellite offices upang maging mas malapit para sa mga nangangailangan ang paghingi ng asistensya.
Kasabay din dito ang pay-out ng mga recipients ng financial assistance nina Sta. Cruz Councilors MacMac Joven at Niño Delas Armas na nakipagtuwang sa TGP Party-List sa ilalim ng Crisis Assistance Program nito.
Pasasalamat kay Sta. Cruz Vice-Mayor Laarni Malibiran sa pangangasiwa ng ating TGP Satellite Office sa Sta. Cruz, Laguna.
Labis ang pasasalamat ng mga residente ng Quiapo, Manila na nakatanggap ng financial assistance sa pamamagitan ng TGP Partylist Crisis Assistance Program. Ang aktibidad ay inorganisa ng Brgy. 188 local officials, sa pangangasiwa ng DSWD-NCR.
Umabot sa aming tanggapan ang impormasyon na isang “RUDY CLORES” ay nagpapanggap na miyembro ng Board of Directors ng TGP Party-List at nanghihingi ng halagang Php 250 kapalit ng ID, membership, at tulong katulad ng bigas mula sa TGP Party-List. Ito po ay walang katotohanan at kailanman ay hindi konektado sa TGP Party-List ang isang “RUDY CLORES”.
Para sa kaalaman ng lahat, ang TGP Party-List ay hindi naniningil o nanghihingi ng anumang uri ng bayad para sa membership o ID ng party-list. Kami sa TGP Party-List at partner government agencies tulad ng DOH at DSWD ay walang hihihinging anumang kapalit sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan maliban na lamang sa mga documentary requirements na itinakda ng mga nasabing ahensya tulad ng Certificate of Indigency at iba pa.
Mariin naming kinokondena ang mga tao o organisasyon na gumagamit ng pangalan ng TGP Party-List para makakuha ng pera o makapanloko ng ibang tao.
Mangyari lamang na ipagbigay alam agad sa aming tanggapan ang mga ganitong uri ng pangyayari para maireport agad ito sa mga awtoridad.
Binisita ng Philippines’ Youngest World Youth Jiu-Jitsu Champion in the 2022 Abu Dhabi World Youth Jiu-Jitsu Championship na si Aleia Aielle Aguilar ang Kongreso sa pamamagitan ni Deuty Majority Leader Bong Teves noong ika-16 ng Nobyembre. Si Aielle ay limang taong gulang pa lamang. Siya rin ay anak ng isa sa Philippines’ mixed martial arts pillars at founder ng URCC na si Alvin Aguilar at ng former jiu-jitsu world champion na si Maybelline Masuda.
Nag-file din si Deputy Majority Leader Teves ng House Resolution 546 na nagbibigay pagkilala sa karangalang ibinigay ni Aielle sa ating bansa bilang gold medalist.
Natutuwa ang TGP Partylist na mabigyan ng pagkakataon na kilalanin sa plenaryo si Aielle sapagkat bata pa lamang ay pinapakita niya na ang talino at galing ng Pilipino sa larangan ng Jiu-Jitsu. Talaga namang napakahusay ng ating kabataan.