
Deputy Majority Leader Bong Teves Jr. attends the House Committee on Appropriations that concluded its hearing on the proposed P2.21-billion budget for 2023 of the Office of the Vice President (OVP).
Deputy Majority Leader Bong Teves Jr. attends the House Committee on Appropriations that concluded its hearing on the proposed P2.21-billion budget for 2023 of the Office of the Vice President (OVP).
Mga miyembro naman ng Famy Farmers Association ang napagkalooban ng mga garden tools sa bayan ng Famy, Laguna sa pamamagitan ng TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr.
Ito ay pakikipag-ugnayan ng TGP sa DA Region 4A. Ang programa ng pamamahagi ay dinaluhan ni Famy Mayor Lorenz Rellosa at Vice-Mayor Freddie Valois kasama ang mga Konsehal ng Bayan.
Mainit na tinanggap ni Mayor Lorenz Rellosa ang pagbisita ni Deputy Majority Leader Cong. Bong Teves Jr. sa bayan ng Famy, Laguna, kasama si Vice-Mayor Freddie Valois at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Deputy Majority Leader Bong Teves Jr. during the Budget Briefing of the Committee on Appropriations that focuses on the Department of Social Welfare and Development at the House of Representatives on September 06.
Maligayang Kaarawan po sa ating isa sa mga pundasyon ng ating kapatirang Tau Gamma Phi,
Founding Father Talek Pablo.
Kasama ang mga miyembro ng kanyang Sangguniang Bayan ay pinangunahan ni Sison, Pangasinan Mayor Danilo Uy ang naging programa ng TUPAD Pay-Out sa naturang lokalidad na inihatid ng TGP Partylist at kinatawan nito na si Deputy Majority Floor Leader Cong. Bong Teves Jr.
Ito ay inisyatiba na hiniling sa TGP Partylist ni Pangasinan Gov. Ramon Guico III at 5th Dist. Representative Cong. Ramon Guico Jr., na kinatawan sa programa ni Binalonan, Pangasinan Vice-Mayor Bryan Louie Balangue. Ang implementasyon ng TUPAD ay pinangasiwaan ng DOLE FO-1. Ipinahatid ni Cong. Teves Jr. ang kanyang mensahe ng tuloy-tuloy na tulong para sa ating mga disadvantaged/displaced workers.
Magkasunod na sumadya at dumalaw sa atin ngayong araw ang dalawang kasama nating mambabatas na sina Cong. Jolo Revilla at Cong. Bryan Revilla anak ng ating matagal ng kaibigang Senador Bong Revilla Jr. Bukod sa mahabang pagkakaibigan ay nakasama din natin si Cong. Jolo Revilla noong kami ay Vice Governor pa. #TGPpartylist #CongBongTevesJr
Naimbitahan at dumalo sina TGP Partylist Congressman Bong Teves Jr. at TGP Board of Trustees and Red Cross Governor Sis Jenni Munar sa Grand Opening Ceremony ng Rosario Memorial Center Ambulatory Care Centers sa Guagua Pampanga. Kasama rin sa guests sina Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo, Pampanga Governor Dennis Pineda at Mayor Joseph Anthony Torres. #TGPpartylist #CongBongTevesJr
Bilang Vice Chairman ng Food Security Committee sa Kongreso ay nagpapaalala po ang ating representante ng TGP Partylist, Congressman Bong Teves Jr. sa lahat ng ating mga kababayang magsasaka na tumugon sa panawagan ng pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na mag-avail ng mga kursong may kinalaman sa agrikultura na inilaan ng pamahalaan tulad ng Agricultural Crops Production NC II, Organic Agriculture Production NC II, Fruit Growing at Aquaponic Food Production. Ito ay upang maging preparado sa hinaharap ng Food Security sa bansa.
Maraming salamat po.
#TGPpartylist #CongBongTevesJr
Kasalukuyang nasa Department of Education si TGP Partylist Cong. Bong Teves Jr. kasama si TGP BOT and Red Cross Governor Jenni Munar ngayon upang makipagpulong partikular kay USec. Epimaco Densing. Bilang Vice Chairman ng Food Security sa Kongreso ay kasalukuyang tinatalakay ngayon ang mga maaaring maging partisipasyon ng mga mag-aaral sa agrikultura. #TGPpartylist #CongBongTevesJr